Ang lagundi ay isa sa mga pinakakilalang halamang gamot na mabisa para sa karamdamang ubo. Ito ay isang maliit lamang na puno na kilala sa pagkakaroon ng limang piraso ng dahon sa bawat tangkay. Mayroon din itong bulaklak na tumutubo nang kumpol-kumpol sa dulo ng tangkay. Karaniwan din itong makikitang tumutubo sa mga kapatagan ng Pilipinas at madaling namumulaklak sa buong taon.
Ang damong-gamot , halamang damo , o yerba (Ingles: herb , Kastila: yerba o hierba ) ay isang uri ng halamang madaling mabuwal, katulad ng saging . Karaniwang nagagamit ang mga dahon, o iba pang bahagi, ng halamang ito para sa panggagamot at panimpala o pampalasa sa pagluluto ng mga pagkain. Tinatawag din itong damong-ipinanggagamot . Mas malambot ang mga pinakapunong katawan ng mga halamang ito, maging mga sanga at tangkay, kung ihahambing sa mga punongkahoy at mga palumpong. Tumatagal ang buhay ng mga ito sa loob ng isang taniman lamang.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento