Ang damong-gamot,halamang damo, o yerba (Ingles: herb, Kastila: yerba o hierba) ay isang uri ng halamang madaling mabuwal, katulad ng saging. Karaniwang nagagamit ang mga dahon, o iba pang bahagi, ng halamang ito para sa panggagamot at panimpala o pampalasa sa pagluluto ng mga pagkain. Tinatawag din itong damong-ipinanggagamot. Mas malambot ang mga pinakapunong katawan ng mga halamang ito, maging mga sanga at tangkay, kung ihahambing sa mga punongkahoy at mga palumpong. Tumatagal ang buhay ng mga ito sa loob ng isang taniman lamang.
Mga sikat na post sa blog na ito
Ang alugbati ay isang halamang gumagapang na kalimitang nakikitang tumutubo sa kahit saan. Ito ay may mapupulang baging o sanga at hugis puso na dahon. Ang bunga ay maliliit na bilog na parang paminta na kulay lila. Nagkukulay ang bunga nito na mapula o kulay lila kung kaya’t madalas itong ginagamit bilang kolorete sa mukha.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento