Mga Post

''Malungay''

Imahe
Ano ang  mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa  Malunggay ?  Ang  iba 't ibang bahagi ng halamang  malunggay  ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan
Imahe
Ang lagundi ay isa sa mga pinakakilalang halamang gamot na mabisa para sa karamdamang ubo.  Ito ay isang maliit lamang na puno na kilala sa pagkakaroon ng limang piraso ng dahon sa bawat tangkay. Mayroon din itong bulaklak na tumutubo nang kumpol-kumpol sa dulo ng tangkay.  Karaniwan din itong makikitang tumutubo sa mga kapatagan ng Pilipinas at madaling namumulaklak sa buong taon.
Imahe
Ang  damong-gamot , halamang damo , o  yerba  (Ingles:  herb , Kastila:  yerba  o  hierba ) ay isang uri ng  halamang  madaling mabuwal, katulad ng  saging .  Karaniwang nagagamit ang mga dahon, o iba pang bahagi, ng halamang ito para sa panggagamot at panimpala o pampalasa sa pagluluto ng mga pagkain.  Tinatawag din itong  damong-ipinanggagamot .  Mas malambot ang mga pinakapunong katawan ng mga halamang ito, maging mga sanga at tangkay, kung ihahambing sa mga punongkahoy at mga palumpong. Tumatagal ang buhay ng mga ito sa loob ng isang taniman lamang.
Imahe
Ang alugbati ay isang halamang gumagapang na kalimitang nakikitang tumutubo sa kahit saan. Ito ay may mapupulang baging o sanga at hugis puso na dahon. Ang bunga ay maliliit na bilog na parang paminta na kulay lila. Nagkukulay ang bunga nito na mapula o kulay lila kung kaya’t madalas itong ginagamit bilang kolorete sa mukha.